I. KODA NG KURSO : FILITWO
I. PAMAGAT NG KURSO : PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
III. DESKRIPSYON NG KURSO: Ang Filipino 2 ay higit na pagpapalawak ng kaalaman at lalo pang pagpapataas ng antas ng kasanayan sa kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa pagsasagawa ng pananaliksik.
IV. LAYUNIN NG KURSO:
Ninanais ng guro na ang mag-aaral ay matutong...
1. maunawaan ang konsepto ng kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat at magamit ang mga kaalaman at kasanayan nito sa pagsusuri ng teksto at konteksto ng mga diskurso sa iba’t ibang disiplina o larangan;
2. magamit ang kasanayan sa kritikal na pagbasa at pagsulat sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik sa isang tiyak na larangan o disiplina;
3. malinang ang higit na mataas na antas ng kakayahang pangkomunikasyon gamit ang akademik na rejister ng Filipino sa pamamagitan ng pagsulat at pag-uulat ng isang komprehensibong papel pananaliksik;
4. matukoy ang etika ng pananaliksik at proseso nito upang magamit ito sa pagbuo ng isang kapaki-pakinabang na kwaliteytib na pananaliksik;
5. maipakita ang katapatan at pagiging matiyagang mananaliksik sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang proseso at pamantayang isinasaalang-alang sa isang pananaliksik.